Saturday, 27 June 2009

Dalawang Kamay


Whenever your lonely,
just look at the spaces between your fingers
and remember that's where my fingers
fit perfectly.

Wednesday, 24 June 2009

Si Housemate





si ahmed, mula sa bansang egypt. isang mechanic assistant. siya ang aking pangatlong housemate kung isasama ko sa bilang sina sorut at ipis. almost 2 yeas na rin kaming magkasama ni kupal sa flat pero hindi parin kami close sa isat isa. hindi kami masyado nagkukwentuhan dahil hindi naman kami magkaintindihan ng salita. Arabic ang kanyang salita, tagalog at ilocano naman sa akin. hindi talaga kami magkaintidihan kaya minsan dinadaan na lang namin sa sinyanas. hindi rin kasi siya marunong magsalita ng English. kapag tinatanong ko siya ng how are you, ang lagi niyang sagot “sure” kaya ang lagi ko na lang itinatonong sa kanya, ahmed pogi ba ako? sagot niya sure . at dun tamang tama ang kanyang sagot.

malinis sa katawan si kupal. araw araw naliligo, araw araw din nagbibihis ng damit pero ni minsan hindi ko nakitang nagsampay ng brief sa labas o sa loob man ng aming kwarto. nahihiya naman akong itanong sa kanya kung nagpapalit siya nagsusuot ng brief baka siyay mainsulto at sasapakin lang ako.

si kupal walang masyadong alam sa mga makabagong teknolohiya. isang araw bumili ako ng portable dvd player. nakita niya ito. nagpaturo siya akin kung paano ito gagamitin. tinuruan ko naman siya hanggang siyay natuto. nang natuto, pambihira! akalo mo sa kanya na ang gamit na yun. kapag ginagamit ko, gusto niya siya daw muna ang gagamit bago ako kasi papanoorin daw niya ang kanyan bagong dalang cd. taena! dahil sa inis ko, nasigawan ko ang gago. isang buwan din kaming hindi nag-imikan. diyan nagsimula ang bansag ko sa kanyang kupal at kumag na daga.

nagpakabit ako ng internet. nakikita niya ako na laging may kausap online. nainggit siya sa akin. buti pa daw ako nakakausap at nakikita ko ang mga mahal ko sa buhay araw araw. samantalang siya matagal na daw niyang hindi nakikita ang kanyang mahal sa buhay lalo na ang kanyang bunsong anak. nakaramdam ako ng pagkaawa sa kanyang sinabi. alam kong nangungulila rin siya sa kanyang pamliya. kinausap ko siya sa utal utal kong Arabic na salita. sinabihan ko siya na sabihan ang kanyang asawa na gumawa ng email account sa kanilang bansa at ako na lang ang bahala sa kanya dito. nagkaroon ng e-mail ang kanyang asawa. nagkita at nagka-usap silang pamilya online. bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan ganun din ang kanyang asawa at anak. halos halikan ni kupal ang screen ng aking computer nang makita niya ang kanyang anak. pinaayagan ko siyang makigamit ng libre sa aking pc kapag itoy bukas kahit hindi siya marunong. once or twice a week ko siya pinapagamit at tinuturuan. ngunit inabuso na naman ni kupal ang aking kabaitan. ginigising niya ako ng wala sa oras dahil online daw ang kanyang misis at gusto niya itong makausap at makita. nung una pinagbigyan ko siya. pangalawa okey lang. pangatlo, jablo! somosobra na si kumag. nawiwili na siya masyado sa kabaitan ko kaya jumbo rin siya sa pagbalibag ko ng unan sa kanyang mukha dahil sinisira niya lagi ang aking wet dreams este sweet dreams pala..lolz. hindi ulit kami nag iimikan for the second time.

si kupal hindi lang siya tao. isa rin siyang bagay. isa siyang malaking relo. siya ang nagsisilbing alarm clock ko na wala naman sa tamang oras pag nanggising. tuwing nasa kasarapan ang aking pagtulog, nagigising ako sa super lakas niyang hilik kaya pati mga ipis at surot nabubulabog ang kanilang mahimbing na tulog at ang nakakainis ako ang kinakagat nila at hindi ang kupal kong housemate na dambuhala.
matakaw din sa pagkain si kupal kaya malaki ang kanyang katawan at ito rin siguro ang dahilan kaya madalas siyang bangongotin. dumating din yong punto sa sigaw na siya ng sigaw sa pagkabangongot. dala ng aking pagkatakot, tumakbo ako palabas ng flat upang tawagin ang gwardiya para siya ang gigising sa aking kasama. kina-umagahan, nagising si kumag ng maaga. hang kapal ng apog ni kumag, ako pa ang sinisi sa nagyari kagabi bakit hindi ko daw siya ginising…anak ng teteng! buti nga ginising ka nila kung hindi lang tigok ka na.

ilang araw na lang magbabakasyon na si kupal sa kanilang bansa. marami siyang dala dala at gudlak na lang sa kanya kung hindi siya mag over baggage. bagong washing machine, isang maliit sa freezer, mga boteng walang laman, isang picnic payong na butas pero inayos niya, isang cpu ng computer windows 98 (tinanong niya sa akin kung maganda, sabi ko good quality mafi muskil ada). dalawang maleta na damit ang laman at marami pang iba na galing sa ewan. cgro kasama din sa kanyang iuuwi yung nawala kung jelfon na N80, 1 week ko lang ginamit yun bago siya nag invisible saka yung aking digicam na nawala din last week lang. wala tuloy akong ginamit na pangkuha sa lugar na mala milan ang itsura (Al Qasba Park). ala-ala sana sa lugar na kung saan ako sinagot ni B2. (feeling naman namin kami ang bida sa pelikulang MILAN ni piolo at Claudine) hehehe. sa mga pipol na nandun sa memory ng cam ko gudlak na lang sa inyo kung kakalat yun. malaking skandalu yan pag nagkataon.

simula 27, araw ng paglipad ni kupal. solong solo ko na ang kwarto. araw araw akoy magpaparty. inuman dito inuman dun. gagawin naming pulutan si ipis at surot. wala na rin istorbo at sagabal na kupal kaya pwede na akong mag jaging araw araw sa loob ng kwarto o kaya maglaro ng jackston na hindi nagtatago..lolz..




habang ginagawa ko to, nginingitian ako ni kupal. nagpapaalam. magbabakasyon daw siya kaya mawawala sya
ng dalawang buwan.


"ok, see you INSHALLAH".






Sunday, 21 June 2009

walang taytol b2

Nais kong ipinta
Ang ganda ng iyong mukha
Ngunit hindi sapat
Ang aba kong talento

Nais kong isulat
Ang nilalaman ng puso
Ngunit hindi sapat
Ang limitadong bokabularyo


Nais kong isigaw
Ang silakbo ng pag-ibig
Ngunit hindi sapat
Ang lakas ng aking boses

Hindi man maipinta
Hindi man maisulat
Hindi man maisigaw

Nawa'y sapat na ang halik
At yakap na mahigpit
Kasama ang pangakong
Habang-buhay kang iibigin

Wednesday, 17 June 2009

bloggers to lovers




dalawang stranghero sa disyerto
nagkakilala at nagtagpo dito sa mundo ng blogosperyo.
nagkulitan, nagtawanan, nag-asaran, nagbolahan
nagsimula ng kanilang pagkakaibigan.








lumipas ang araw, linggo at buwan
naging mas malalim pa ang kanilang samahan.
dumating si kupido, pinana niya ang kanilang puso
sapol! isang pag-iibigan ang nabuo dito sa loob at labas ng blogosperyo.





"misadventures of poging(ilo)cano"




Ikaw lamang ang buhay ko

Sana giliw pakinggan mo

Ang puso ko na mayroong sinisabing

Ikaw lamang....





Saturday, 13 June 2009

Munting Tinig






"oo na"

pagbitiw niya sa salitang iyan. bahagyang nanahimik ang paligid. nagsitigil ang mga batang naglalaro at naliligo sa may water fountain ng parke. tumugtog ang sound system, naghiyawan ang mga tao sa tuwa habang pinapanood ang magandang sayaw ng fountain na sumasabay din sa indak ng musika. sa kabilang banda, tuwang tuwa naman ang puso ng binata nang marinig ang matamis na “oo” mula sa dalaga na kausap niya.

Tuesday, 9 June 2009

Kahapon, Ngayon at Bukas

kahapon....




Ngayon.....











Bukas.....











"ang sugat naghihilom sa tulong ng isang band aid at awit ng pagmamahal pero masakit masaktan"..pag (ong)

Saturday, 6 June 2009

Kuya, Bakit?

Nakilala ko si kuya Celso (hindi tunay na pangalan) sa dati kong pinapasokan na kompanya sa pinas. Isa siyang janitor-messenger doon. Isa siyang mabait, matulungin, masipag at makapakakatiwalaan na tao at ama. Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya. May apat na anak. Ang kanyang asawa ay dating ofw pero hindi siya nagtagal sa abroad dahil na rin sa pagpapahirap sa kanya ng kanyang dating amo. Hindi pinapakain at hindi rin binibigay ang kanyang sweldo kaya napilitang umuwi sa pinas pagkatapos ng anim na buwan ng pagtitiis at paghihirap.

Dahil sa kanyang kabaitan, naging malapit ako sa kanya at sa kanyang pamilya. At ganun din naman sila sa akin. Welcome na welcome ako sa kanilang tahanan. Si kuya Celso ang nagsilbing kaibigan, kapatid, kuya, tito at ama habang ako ay nasa maynila naghahanap buhay. Kapag may problema ako, sa kanya ako tumatakbo at humihingi ng mga payo. Buong buo ang tiwala ko sa kanya.

Bago ako umalis ng bansa, may isang bagay akong nilalakad na hindi ko natapos dahil na rin sa aking biglaang pag-alis at hindi ko na maaiskaso pa. Ito ay ang aking pagkuha ng bahay sa pamamagitan ng pag-ibig housing loan. Nagpagawa ako ng SPA (Special Power of Attorney) upang siya na lang ang mag-aasikaso at bahala sa paglalakad ng mga papeles habang wala ako sa pinas samantalang ako naman ang bahala sa usaping financial. Walang alam ang aking pamilya tungkol sa aking pagkuha ng bahay kaya sa ibang tao ko ipinagkatiwala ang pag-aayus nito.

Pagkaraan ng limang buwan, nakatanggap ko ang magandang balita mula sa kanya. Na turn over na sa akin ang bahay. Sa madaling salita may munting bahay na ako…wow!.lolz..hehe..pinaalam ko na rin sa family ko na may munting bahay na ako at ibabahay na lang ang kulang...oh! dba na surprise sila!.hehe..

March 2008 ng magstart akong magbayad ng monthly amotization sa pag-ibig. Ang pera na pambayad sa amortization ay apinapadala ko kay kuya Celso buwan buwan through bank + pamasahe niya and keep the change pa. Buwan buwan akong nagpapadala ng pambayad kaya buwan buwan din akong tumatawag sa kanya upang alamin kung may problema sa aking ibinabayad. Kung ibinabayad ba o hindi? Ang kanyang laging sinasabi, wag daw akong mag-alala dahil updated naman daw ang aking account at sa katunayan advance pa nga daw ako ng 1 month which is true naman base na rin sa aking pinapadala. Kaya panatag ako na ayus ang lahat at walang problema.

Ngunit noong nakaraang lingo, isang txt msg ang aking natanggap mula sa pag-ibig. Isang mensahe na nakakagulat at tila magpapawalang saysay sa aking paghihirap at sa aking pangarap. Sinabi sa akin na ang aking account ay malapit nang macancell dahil hindi raw ako nagpapabayad. Nakakabigla ang pangyayari. Tumawag ako kay kuya Celso upang alamin ang katotohanan. Ngunit sa malas ni kulas hindi ko makontak ang kanyang celfon.

Agad kong pinaalam sa aking kapatid ang aking problema. Pinuntahan niya si kuya Celso sa kanilang bahay upang alamin kung ano talaga ang kaotohanan at dahilan kung bakit nagkaroon ng problema sa aking binabayaran. Sa kanilang paghaharap, napatunayan nga na hindi niya ibinabayad ang aking pinapadala. Base sa huling resibo na kanyang ipinakita, lumalabas na siyam na buwan siyang hindi nakabayad kaya siyam na buwan narin pala niya akong niloloko na walang kamalay malay. Magkahalong lungkot, galit, pagkaawa, ang aking naramdaman kay kuya Celso. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya sa akin iyon. Muntik na niyang sirain ang pangarap ko. Paano na ang pinaghirapan ko? Kuya,bakit?

Nagkausap na kami ni kuya Celso. Pinakinggan ko ang kanyang mga paliwanag at nakinig naman ako sa kanyang mga paliwanag. May galit akong naramdaman pero mas nangibabaw parin ang aking pagkamaunawain at pagkamatulungin. Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya at magkano lang ang kanyang kinikita? Hindi yun sapat para buhayin ang kanyang pamilya. Kung ikaw ang ama, gusto mo bang nakikitang gutom ang iyong mga anak? Hindi importante sa akin ang nawalang pera, ang kanyang mga paliwanag sa akin ay sapat na.


Hindi ko siya inobliga na bayaran ang nawalang pera, pero siya mismo ang nagsabi na papalitan din niya yun. Kung magbibigay siya,maraming salamat, kung hindi, ayus lang. marunong naman akong umunawa at umintidi eh saka alam ko kung anong klase ng buhay meron sila. Yung huli kong padala nong nakaraang buwan, hindi niya ibinayad dahil pinambili daw pala ng skul supplies. Ready to skul na mga anak..

Sa ngayon, medyo ayos na ang lahat. Nakapag apply na rin ako ng condonation program ng pag-ibig sa tulong na aking kapatid. Tuloy tuloy parin ang aking pagpapadala ng pambayad buwan buwan pero hindi na kay kuya Celso, sa kapatid ko na......






"maraming namamatay sa maling akala"



Friday, 5 June 2009

The Manifesto


On Mike Avenue Pinoy Blog’s ‘Tsokolate’
poging(ilo)CANO MANIFESTO
So that the bloggerworld and everyone may know....

We believe in the right to freedom of speech as a human right.

We believe in the freedom to hold opinions without interference by public authority and regardless of frontiers, either orally, in writing or in print, in the form of art, or through any other media of his choice.

We believe in the right to freedom of expression to receive and impart information.

We believe that blogging is an expression of one’s opinions, personal experiences, hobbies, commentaries, diaries and we further believe that every blogger has the right to publish his personal expressions and opinions.

We believe that the exercise of these freedoms is not an absolute right but carries with it duties and responsibilities, that may be subject to restrictions or penalties on specific grounds as prescribed by law and are necessary in a democratic society, in the interests and protection of the reputation or rights of others.

We believe that majority of the Overseas Filipino Workers have chosen to leave the Philippines to seek and search for better livelihood opportunities abroad so they may be able to support themselves and their families back home.

We believe that the OFW’s search for a greener pasture is not at all that easy and yet hundreds of thousands of OFWs have created names for them and have excelled in their chosen fields of endeavor, setting the world standards for nobility and for hard work.

We believe that there is nothing wrong with doing an honest day’s work as a domestic help or as construction worker or doing any other menial and blue collar jobs.

We believe that OFWs whether professionals or not should be given honor and respect.

We believe that the OFW is the Hope of the Nation, Gift to the World!

With these guiding beliefs:

We regard Mr. Mike Avenue’s Pinoy Blog post on "Tsokolate" as one that lacked research and a flagrant ignorance of the truth about Overseas Filipino workers and expatriates.

We regard this lack of truth and ignorance as especially inexcusable from one who feigns intelligence and high learning and coax people into belief and following.

We regard his statements: “minumura ng amo kapalit ng dolyar” and “humahalik sa paa ng mga dayuhan” as blatant mockeries of the sacrifices of the Overseas Filipino Workers and expatriates and are hasty generalizations of the living and working conditions of the Filipino expatriates and OFWs.

We regard his post as tactless and offensive, trying to make a lame attempt to sarcasm that failed to be funny, at the expense of the Overseas Filipino Workers.

We regard his post as a clear display of arrogance, done in a distasteful manner with blind indifference and unjust condemnation of the millions of hardworking OFWs who work long hours to earn an honest buck.

We regard his post to have overstepped the bounds of sensitivity and responsibility of a decent mind and an accountable and sensible blogger.

Therefore, we as OFW BLOGGER are not dumb to let this kind of humiliation pass just like that.

We strongly condemn this irresponsible blog post and Mike Avenue.

We consider Mike Avenue as an Anti-OFW persona.

We demand a retraction and an apology from Mike Avenue of Pinoy Blogs for this irresponsible blogpost!

We are Filipinos and we should stand together and strive for a better Philippines!



Template by:
Free Blog Templates